With my blogger friends from CDObloggers (Left to Right: Em, Jacques, Maia, and I)
Sa wakas, nagkaroon na rin ng pagkakataon na makapanood ng pelikula na kabilang sa Pista ng Pelikulang Pilipino! Dalawang pelikula ang pinanood ko kahapon. Isang madrama at isang nakakatawa!
Pag-usapan nating yung nakakatawa! Buti nalang at pangalawa kong pinanood ang Patay na si Hesus, na pinagbibidahan ni Ms. Jaclyn Jose. Bakit? Kasi, tinapos niya ang araw ko nang nakangiti. Akalain mo ba naman na in a long time, ngayon lang ako tumawa ulit ng ganun. Weird lang kasi, ang gumawa sa akin nun ay isang pelikula na ang mga nagsiganap ay hindi naman tumatawa.
It was very hilarious in a heartfelt way!
Kasi naman, pinapakita ng pelikula yung dynamics ng isang typical at ordinaryong pamilyang pilipino. Makakarelate ka sa bawat linyang binibitawan ng ina at anak. Masasabi mo na minsan, nagkaroon ka rin ng ganoong pag-uusap sa pamilya. "Buti sana kung nilalabasan pati yang mga daliri mo! Nagkaanak ka na sana!"
Kasi naman, sa pelikula, pinapakita nito kung gaano ka resilient ang mga pinoy. Kahit na pinagdadaanan natin ang isang unos, trahedya or kawalan ng isang bagay/tao na mahalaga sa atin, nakukuha pa rin nating ngumiti. Nagkakaroon man tayo ng bloopers paminsan-minsan (gaya nung nangyari sa libing. hehehe) , ito ay paalala lamang na tuloy ang buhay.
Kasi naman, bihira lang ang mga pagkakataon na kung saan mas nagtagumpay si Hudas kay Hesus. Eto yung ending na hindi mo inaasahan. Kung nagtataka ka kung bakit ganun ang titulo ng pelikula, sa ending mo na malalaman.
Kaya kailangan mong panoorin ang pelikulang ito bago pa ito mawala! If you need a good laugh, this one is must-watch. Lalung-lalo na kung ikaw ay bisdak (bisayang dako) na tulad ko, mas makaka-relate ka sa bawat linya at sa bawat kantang pinatutugtog sa bawat eksena.
"Imong nawaong murag kinumot na tambis!"
"Hahaha katawa... Hahaha Hasula!"
Panooring ang trailer sa itaas nang mas engganyo ka!
P.S. Maraming Salamat Centrio Mall for the tickets!
P.S. Maraming Salamat Centrio Mall for the tickets!
0 comments:
Post a Comment